Binalaybay Experience
5:46:00 AMNoon lamang Agosto 5,2016 ginanap ang isa sa mga paligsahang na aking kinasasngkutan sa Po Hang Gymnasium.Ang Binalaybay.
Kaunting kaalaman, ang binalaybay ay isang tula na hango sa
lenggwaheng Hiligaynon.Na ginagamit sa parte lamang ng Visayas.
Lubos kong ikinagulat noong pinagtulakan ako ng aking mga
kaklase sa pamimili ng mg representante, Kung kaya’t wala akong may naigawa
kundi umo-o lamang.Alam ko, mga traydor na mga kaklase.
Isang linggo, ang natatanging oras na aking ginugol sa pagmemorize
ng aking linya.Kamuntikan pa ngang di atuloy dahil wala akong ‘trainor’.Ngunit
sa kabutihang-palad, nakahanap rin kami.Magaling siyang mag-train, propesyonal
a siya at may malaking kaalaman sa ‘pag-aacting’ ( Thank you Ms. Baby, sa
pagtetrain!).
Nung sumapit ang araw, hhalos mahimatay ako nung nalaman ko
ang aking mga katunggali.Mga bihasa na at mataas pa ang self-confidence. Yung butil-butil
na mga pawis, di ko talaga mapigilan iyon.
Nung tiyempo ko na, kinapalan ko talaga ang mukha ko, hinubad
ko pa ang tsinelas ko.At sa kabutihang-palad ulit, nagawa ko naman ng mabuti.
Halos lumabas yung puso ko sa dibdib nung panahon na ng
paganunsiyo ng mga nanalo.Ngunit may tumigil ata ng mundo ko nung narinig ko
ang pangalan ko sa unang gantimpala.
Worth it.Worth it lahat ng paghihirap, pagcommute ko mula sa
trainor papunta sa bahay, worth it ang pagiging shunga ko sa banyo dahil sa
pagmemorize ng mga linya.
Praise the Lord, sa lahat ng success!!
0 comments