Loyalty Week
4:13:00 AMLoyalty was....
HINDI MASYADONG MAGANDA.
Well, well, well, except siguro yung mga pagkain na nagpatakam, medyo masaya rin naman siya, pero di lang kasing saya ng nakasanayan. Bongga noong mga nakaraan eh, yung tipong kahit saang eskinita, puwede mong tambayan.
Tapos yung sound system pa! Ewan ko kung anong grade nang estudyante ang nagkakalikot ng sound system, basta epic yung mga sounds eh, yung tipong kahit mga grade 1 napapasayaw.
Sa kaso ng kasalukuyang school, 5 days nga, tinadtad naman ng mga projects, yung tipong sasaya kana sana atleast hindi nagong boring ang school mo, yun nga lang halos bumubundok ang mga project mo sa kadamihan, at ang mas malala pa eh, due pa pagkatapos ng week.
Ngunit may isang booth talaga eh, napasabi talaga ako na "sulit ang bente pesos dun ah".
Ang Scream Room ng Juniors Organization. Mayroon silang sinet-up bale, inoccupy nila ang kani-kanilang mga classroom, tapos yung Scream Room nila hindi ordinary eh, bale babayad ka nang bente pesos..
Tapos hintay..hintay..hintay( na halos inabot kami ng dalawang oras sa kahihintay), mayroong tour guide na mag-guide sa inyo papasok sa tigiisang classroom, bale each classroom mayroong isang babae na nasa hospital( infairness ang classroom mukhang ospital nga) tapos nirape daw ng doctor niya, sa next classroom naman hinahanap siya ng doctor, epic lang, ang ng mga acting ng juniors eh! Parang katotohanan.
So yun na nga, di nga lang medyo kasiyahan ang Loyalty Week ngayon, though hoping naman ako na sasaya pa sa susunod na taon.
0 comments