Pabula : Tunay na Pagkakaibigan

4:33:00 AM

Noong unang panahon, may isang kagubatan na na mayaman sa puno at mga hayop . Ang gubat na ito ay kilala sa tawag na Wakari-wakari. Sa kagubatan ng Wakari-wakari, May isang Kuneho na napakatanyag, sapagkat napakamarami nitong mga pagkain.

Datapwa’t marami nga itong mga kakilala. Kadalasan niya itong ipinamamahagi sa kanyang apat pang mga kaibigan. Sina Matsing, Ibon, Bubuyog at Pagong.

Subalit lumipas ang panahon, unti-unting humihina ang mga tuhod ni kuneho kaya malimit na lamang siya makakakita ng  pagkain. Kaya isang araw, napag-isipan niyang humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan.

Una, siya’y lumapit kay Matsing,  masiglang-masigla itong nakalambitin  pa sa isang punong saging. Sayang-saya ito sabay pakawala ng isang “Ooh ooh Aah Aah”

“O kaibigang kuneho! Andiyan ka pala!” nakataas-ibaba ito sa ito sa isang puno habang binati ang kaibigan.

“Andito nga, kaibigan.” Sabi ni Kuneho sabay pakawala ng isang tipid na ngiti. “Nagbabasakali lamang ako, kung may isang pirasong saging ka lamang. Hinang-hina na kasi ang tuhod ko. Mailap nalang ako makakakita ng pagkain”


Agad nagbago ang mukha ni Matsing sabay na itinago sa kanyang likod ang malaking kumpol ng saging. Pang-isang buwan niya na itong pagkain. Sayang daw pag ipamahagi niya pa ito. Sigaw sa isip ni Matsing. Hinarap niya ang kaibigang kuneho at tumipid lamang ng ngiti.

“ Pasensya ka na, kaibigan. Wala pa kasing bunga ang saging ito.” Batid ng kuneho na ayaw siyang pagbigyan nito kaya nagpaalam na lamang ito at dumiretso sa isa niyang kaibigan. Si Ibon.
Gayundin si Ibon, masiglang-masigla ito. Ito’y napapakanta pa ng kundiman sabay labas ng napakaganda niyang pakpak. Agad na lumapit si Kuneho kay Ibon.


“Kaibigang ibon” agad naman nakuha ni kuneho ang atensiyon nito, Kaya binati rin siya ng kaibigan ng isang “Magandang Umaga!”

“Mayroon ka bang pagkain riyan? Wala na kasi akong pagkain, Mahina na kasi ang tuhod ko” mapagkumbabang tanong ni kuneho. Subalit biglang lumungkot ang mukha ni Ibon

“Nais ko rin bigyan ka, kaibigan.Subalit  ang bilang ito ay ensakto lamang sa aking apat na supling”pahayag ng ibon. Naintindihan naman ni kuneho ang sitawasyn kaya nagpaalam na ito at dumiretso  sa isa niya pang kaibigan si bubuyog.

Habang ppapalapit sa pukyotan ng mga mga bubuyog. Makikitang masigla pa rin ito sabay pakawala ng isang “Bzzzzz Bzzzz Bzzz”. ‘Di agad siya napansin ng kaibigan kaya tinawag niya ito

“Kamusta kaibigan , Bubuyog?” lumingon sa kanya ang bubuyog bigla umiba ang hitsura nito. Wala pang ilang Segundo mabilis  ang pahayag nito sa kay Kuneho

“Naku Kuneho! Marami pa pala akong gagawin. Hahanap pa pala ako ng mga nektar. Sige mauna na ako ha? Ingat ka”  sabay kumaripas ng takbo papalayo kay Kuneho. Biglang lumungkot si Kuneho sapagka’t ni isa ay walang nais na tumulong sa kanya.

Halos mawalan na itong ng pag-asa, Hanggang naalala niya si “Pagong!May isa pa akong kaibigan!” Dali itpng pumunta sa taabing-dagat kung naasaan palagi si Pagong. At di nga siya nabigo sapaga’t nandon ang kakibigan. Agad niya itong nilapita at nangamusta. Doon niya lang pala nabatid na uni-unti na itong tumatanda katulad niya.

“Ano nga pala ang sadya mo, Kaibigan?” nakangiting tanong ni Pagong. Napayuko si Kuneho sabay sinabi ang sadya nito

“Kaibigan, nagbabasakali sana ako. Baka may kaunting pagkain ka riyan. Humihina na kasi ang tuhod ko. Halos ‘di na ako ako makakin dahil ‘di na ako kasing-sigla noong kabataan ko pa” tipid lamang ngumiti si Pagong sabay akay kay Kuneho

“Halika ka Kaibigan,” pag-iimbita ni Pagong sa kanya. Naguguluhan man si Kuneho ay sumunod pa rin siya kay  Pagong.

‘Di kalayuan ang nilakad nila hanggang sa dumating sila sa kinaroroonan. Halos malglag panga si Kuneho sa kanyang nakita.

Bumulaga lang naman ang isang malaking taniman ng mga carrots—na kanyang-gustong gusto . ‘Di lamng ito, naroon rin ang pechay at iba pang mga gulay at prutas.

“Alam kong darating, ang panahon na tayo’y magiging matanda na kaibigan. Mahirap ng humanap ng pagkain. Kaya noon ko pang naisipan na itanim ito. Naalala ko kasi noon na palagi mo rin akong binibigyan ng pagkain.Kaya anumang oras, pumunta ka lamang dito at kumain ng gusto mo.”

Halos ‘di mapigilan ni Kuneho ang maluha-luha.
Isa lang ang batid niya.


Ang hayop na nasa harap niya,


Ay isang tunay na kaibigan.


“Makikita ang tunay na kaibigan sa panahon ng kagipitan”

You Might Also Like

1 comments

  1. hello, May I use this for my school work? Thank you and its a great story!!

    ReplyDelete