Division and Regionals Experience!
12:27:00 AMLast October ata, ginanap ang Division Schools Press Conference sa Bacolod Division, na-fall ako sa kategoryang Feature Writing Filipino. To be honest, para gusto kumawala ng dibdib ko noon, as in! Walang halong biro talaga. Halos mamatay nga ako sa kaba eh.
Na-held ang pagsulat sa ETCS , sa Rosario St. , Bacolod. bale, 30 kami sa sa kategoryang ito, mula sa iba't-ibang paaralan ng Bacolod. Habang ino-open ng proctor ang envelope na naglalaman ng topic, parang gusto ko ngang mahimatay agad-agad.Hindi naman ito ang first time ko, last year nagcompete rin ako, ngunit sa Broadcasting Category nga lang. Nung elementary ko, nagcompete rin naman ako,nakapanalo rin naman ng 10th place. Beginner's Luck. Lolz
Yun nga, bale ang topic 'Sumulat ng artikulo tungkol sa isang historical spot o lugar sa Bacolod, na tumatak sa iyong puso at nais mo itong ipaalam sa buong mundo'. Hala! gusto ko talagang maglupsay! Pramis, ano bang spot sa Bacolod na alam ko? Bacolodnon nga ako, pero pake ko sa mga kasaysayan nila.
Mga sampung minuto ata lumipas, or baka nga labinlima, hindi parin ako nakakasulat, eh halos lahat nga, nasa kalagitnaan na ang iba eh.Hala paano ba to? No choice kundi gamitin ang paaralan ko. Nakakabobo man po sa inyong paningin, pero pramis! Sinubukan ko naman magisip eh T_T. Alam ko hindi mo dapat ibanggit ang paaralan mo sa artikulo mo, though specifically hindi o naman talaga siya binanggit.In-emphasize ko lang siya kung papaano siya anging historical, at kung paano siya tumatak sa puso ko. Nanginginig pa nga ako eh, nung time na ipapasa ko ba o hindi.
Nung pagsapit nga ng gabi, todo dasal pa ko. Kako kahit hindi na ako manalo, basta napakislot ko lang ang mga hurado sa paraan na pagsusulat ko.Kinabukasan, iaannounce na nga yung mananalo, ini-held ito sa Robinson's Place, sa may fountain area.
Hindi ko man inasahan ito, nanalo nga ako , 8th place. Nagdadalawang-isip nga ako kung aakyat ako sa stage o hindi. Binago talaga ang buhay ko nung nanalo ako,nung training kasi namin para sa Regionals, ay iniheld sa Library Hub.
Sa di inaasahang pagkakataon, I met three new friends. Nung hapong iyon, inatasan kami na magsulat ng isang artikulo, anywhere daw sa library hub, ayun bale scattered kami, I decided na umupo sa isang mahabang table, kasi nga on-general cleaning ang Library Hub, madaming libro sa sahig, kaya ayun nagsiksikan kami, hindi naman sa gulat, though, may tumabig sa isang upuan malapit sa akin saka may umupo.
Saka may dalawa pang umupo, napag-alaman kong sina Ate Nerissa(Grade 10), Ate Jelhea(Grade 10) at Josh(Grade 9). Bigla nalang kami nagclick nung tinanong ni Josh na " Uy! Alam niyo ba kung ano isusulat? May idea na ba kayo?" napakibit balikit lang kami , wala rin naman kaming maisip eh. Haha.
Ayun, dun nagstart, yung tipong dapat gumawa kayo ng artikulo, nauunsiyame pa dahil di paawat si Josh sa pagsabi ng iba;t-ibang jokes. Siya talaga yung pinaka-kalog eh. Sabayan niya pa ng "Charot!". Haha, Epic talaga nun.
Then, November came, it's time for the regionals. Competitors from all over the Negros Region came.Iniheld ang regionals sa Pavilion Hotel. Panay linga ng ako sa kakahanap sa kanilang tatlo, hindi pa siguro nakarating ang school nila.
Though nagkita naman agad kami nung kompetisyon. Madaming kompetitors sa bawat category, halos 60 ata? though lahat kami ay nasa grand hall, pinagdugtong-dugtong lang ang mahahabang table. Tawa talaga kami ng tawa, kasama kasi namin sa table ang ibang competitors, ang iba galing sa Sagay City, ang iba naman galing sa Cadiz City.Imagine this, lahat ng mga competitors namin ay seryoso, poker-faced, nakapikit ang mata(praying), habang kami ay nagbubungisngisan dahil sa mga jokes ni Josh. Humahalakhak pa nga eh, imagine, tahimik na ang lahat, ngunit kami ginagawang Filipino dictionary ang isa't-isa tuwing wala ang mga proctor na naglilibot. Haha.
It was worth it dahil nanalo ako ng 6th place.Though hindi ako makakapasok sa Nationals dahil first, second at third lang ang ang kinukuha nila. Still , it was the best experience ever!
0 comments