Chapter 5 -- Aria
5:14:00 AM
Aria's POV
It was three days ago noong nawalan ako ng malay. Hindi pa daw ako masyadaong nakakarecover. Pagkataos nang araw na yun, pinagusapan naming tatlo ni Victoria at Greg ang pagbalik ko sa aking mundo, ngunit mariin akong tumanggi.
Sabi nila, hindi daw ordinaryong may nakapasok sa mundo nila na mula sa mundo ng mga ordinaryo. Mas lalong lumaki ang curiousity ko nang dahil doon. Sabi ko, if hindi ordinaryo, papaano? Papaano na ang isang katulad ko ay madamay sa kanilang mundo? Those questions are still lingering in my mind. Kaya pumasya ako na dito pamantala.
There must be reason kung bakit andidito. If this wasn’t normal. Hahanap ako ng pagkakataon para may isagot ako sa aking sariling katanungan.
Dito ko hahanapin ang mga kasagutan, sa mundo nila. Suprisingly, pumayag sina Victoria at Greg. Lubos pa nga silang naligayahan, dahil pansamantala may bagong makikisalamuha sa kanila.
Kaya heto ako ngayon, nasa kanilang Library, kasama ko si Greg. Actually pagmamay-ari naman daw niya ang lahat na mga libro. Well to be honeset, parang city library ito dahil sa laki, no surprise, dahil isang Sorgin, o salamangkero si Greg. I even asked Victoria, once, nung inalalayan niya akong kumain.
"How did you two met?"
" Ano ulit, hija?" tanong niya habang tinititigan ako.
"Paano po kayo nagkakakilala ni Greg?" inulit kong tanong. Nagulat pa nga ako nung kumawala siya ng isang mahinang tawa.
"Alam ko ang ibig mong sabihin, hay, natutuwa lang ako sa pag-ingles mo, wala kasing masiyadong tao ang nakakapagsalita ng lenggwaheng, iyan" nakakapagtaka naman, sa mundo ko kasi-- namin ang English ang global language. Hmmm..
" Actually hindi maganda ang una naming pagkikita , " napantig ang tenga ko doon. Lihim na napangiti at mariing naghihintay sa mga susunod na sasabihin.
" Ikakasal ako noon, nasa desi-otso na kasi ako" napasinghap naman ako , napakabata pa ng ganyang edad! Natawa siya sa aking ekspresyon.
" Iyan nga ang aking eksaktong ekspresyon noong nalaman ko eh" atsaka tumawa pa, ngunit nagpatuloy rin siya sa kanyang pagkukuwento.
" Noong gabing iyon, na-set ang pamamanhikan ng pamilya niya sa pamilya ko. Ilang beses akong naglupasay sa aking ama, nagmakaawa na itigil ang kahibangan, ngunit ang tanging hiling ko hindi niya pinagbigyan. Hanggang sa nagdesido ako na tumakas. Ngunit naisahan ako ng ama ko , nag-out of town daw sila kasama ang pamilya ng lalakeng pakakasalan ko, naiwan akong mag- isa sa bahay. Magsasaya na sana ako, Ngunit pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ko, may lalakeng nakahiga sa kama ko."
*flashback*
"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!SINO KA?!BAKIT KA NANDITO?! MAGNANAKAW KA NO?" pinangbabato na ni Victoria ang ga bagay na malapit sa kanya, habang ang lalake naman ay sinasalo ang bawat na binabato.
"What the f*ck! Hör auf! Kannst du bitte! " pilit napinagsasalo ng lalake, nais man niyang magpaliwanag, hindi niya magawa sapagkat hindi sya pinagbibigyan ng chansa
"OMYGHOSH! DAAAADDDDDD!!! I'M GOING TO SUE YOU FOR LEAVING ME HERE!" sabi niya habang patuloy na binabato ang mabibigat na candle holder.
‘Ugh! Isisisante ko talaga ang mga gardien !hindi nila ginagawa ang trabaho nila ng maayos!Magbantay na nga lang, di pa magawa!’
"Teka lang! Can you freaking stop it!?" Napatigil sandali si Victoria, ngunit agad namang kinuha ang malaking salamin, akmang ibabato.
" Brûle en l'enfer!" malakas na sabi ni Victoria sabay bato ng salamin, napapanganga ang lalake sa sinabi ni Vitoria, lubusang hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Nakaramdam ng inis ang lalake kung kaya kinuha niya ang mga gamit na ibinato sa kanya ng babae kanina, at binato rin niya ito pabalik sa babae.
Naglakihan ang mga mata ni Victoria, muntikan ng hindi makailag, mabuti nalang. Patuloy-tuloy lang sila nababatuhanan nang hindi namalayang dumagundong ang kulog sabay ang pagkidlat. Tumakbo naman si Victoria sa lalake sabay ang pagyakap dito.May trauma siya sa kidlat kaya hindi niya ito maatim.
*flashback ends*
" Ayun, doon ko lang nalaman na si 'Gregory of Hedricks Clan' pala ang pakakasalan ko, sino ba naman ako para tumanggi diba?" napatawa naman ako,
"Huwag laging tulala at basahin mo na iyan" sabi ni Greg na nagpatigil sa lahat ng imagination ko. Doon ko lanng napansin ang mga inilapag niyang mga libro. Kumuha ako ng isa, saka binasa ito.
Kasaysayan ng Terra ( Tagalog Version)
Manunulat : Angkan ng mga Lepraunts
Copyright 1456 ( Taon ng Pamumumuno ng Anak Ng Hydra)
Interesting. Hmmmm, binuksan ko ang mga sumunod na pahina at dahan- dahan itong binasa.
Ang daigdig o "Earth" ay naglalaman ng libo-libong mga sikreto. Di batid ng normal na tao ang kapangyarihan na taglay ng natatanging planeta. Sa bawat bansa ng daigdig ay mayroong portal na nagkokonekta sa kakambal na kapilas ng 'Earth' na tinataguriang 'Terra'.
Malayo-layo ang mga bansa sa isa't-isa, kundi napagkasunduan ng mga naunang tao, na may katangi-tanging talentong taglay, hatiin na lamang ang Terra sa pitong kaharian
Kaifeng, ang portal nito sa 'Earth' ay nasa Beijing,China. Dito namamamalagi ang Alchemista, o kaya ang mga nilalang na makakagawa ng ginto . Kinikilala ang lugar na ito bilang isa sa mga maurunong. May dekalidad ang kanilang pandirigmang stratehiya, sila ang may hawak ng mahahalagang hiyas at brilyante. Pinamumunuan ang kahariang ito ng angkan ng mga 'Wang'.Si Haring Wang Xiu ang unang tagapagtatag ng bansang ito.
Mérida , ang kaharian ng sining. Ang portal ay nasa Barcelona, Spain ng 'Earth' . Kilala sa ambag na musika at literatura sa buong mundo. Kinikilala ang kahariang ito bilang mapalinlang. Hawak nila ang kasaysayan ng buong mundo, maging ang bawat bansa sa 'Earth'. Pinamumunuan ang Mérida ng mga Apezteguia.
Avignon, ang kaharian ng sopistikasyon. Ang portal ay nasa Lyon, France. Sagana sa idea sa estilo ng pananamit. Pinakamahal ang mga bawat tela at seda nila na higit na nagpayaman sa kanilang kaharian. Kilala sa pagiging elegante ang nasyong ito, kung kaya't minsan lamang mahagilap ang tao mula dito. Pinamumunuan ng mga angkan ng Roux.
Sitris, ang bansa ay ginagalawan ng mga Hellas o kaya'y mga manggagamot, malawak ang kani-kanilang karunungan sa siyensya kung kaya't labis silang nirerespeto ng mga katauhan. Mga kumplikadong sakit ay kanilang napapagaling.Dito makikita ang mga pambihirang halamang-gamot na hindi makikita sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Ang portal ng Sitris ay makikita sa Athens, Greece, at ang pinakamagagaling na doctor lamang ang puwede maging hari.Subalit, ang tagapagtatag nito ay kinilalang isa sa mga pinakamagaling n doctor sa Terra, si Dr. Hesthonethes
Demetria, ang pinakatatakutan ng bansa. Bihasa ang mga tao sa iba't-ibang uri ng Martial Arts, ang kanilang kaharian ang may pinakamalaking bantay-seguridad. Pinupuri rin ang kanilang base militar. Sa kanilang bansa lamang makikita ang mga dalubhasang mga kabalyero. Pinamumunuan sila ng angkang Kazan, ang portal nito y nasa Moscow, Russia.
Honoria, kinikilalang henyo sa larangan ng teknolohiya ang bansang ito. Sila ang pinakabihasa sa larangan ng binary. Ang kanilang kaharian ay di madaling pasukin dahil sa madami-daming trap. Makikita ang portal sa Tokyo,Japan at pinamumunuan ng mga Katou.
Kiergin , makikita ang portal sa Berlin, Germany. Ang lugar na ito ay may pinakamataas na populasyon ng mga bihasang salamangkero’t salamangkera. Ang lugar na ito ay lallong nakakmangha dahil kumpleto ang iba’t-ibang uri ng makapangyarihan nilalang. Pinamunuan ito ng unang hari ng si Lois XV ng Hendricks.
Halos malaglag ang panga ko sa mga nabasa. Wow, their world is far more powerful than ours. Halos hindi ako makapaniwala. This is so surreal. Muli ko pang iniscan ang mga pages, sa mga sunod na pahina ay ang iba't-ibang uri ng nilalang ang mga namamalagi dito sa Terra.
Hindi ko na namalayan na sunod-dunod langa ang pagbasa ko. Mas lalong nakakapagtaka pa, dahil ko pala alam na nakumpleto ko na ang malaking tangkas ng libro.
Mayroong iba't- ibang uri ng salamangkero, isa ay ang Sorgee, ang tawag sa mga babae, at Sorgin ang tawag sa lalake, na may taglay na salamangka, may mapasa-tubig, kidlat, kulog o ano pa man. Sila ang pangunahing tauhan sa Terra, kumbaga sila yung pinakamakapangyarihan. Ngunit ang bawat isa ay may classification, SSS sa pinakamataas na Sorgin, SS sa di masyadong magaling at S sa pinakamababang class.
Sunod naman daw ang mga Sera, o kaya'y seer.Babae lang daw ang puwede maging Sera. Sila ay ang mga taong nakakakita ng hinaharap. Bihasa sila sa larangan daw ng potions saka sila ang tagapagtago ng mga ancient chants and spells. Mayroon rin daw silang classification, SSS , SS at S.
Gardien, ay ang mga guardia, halos lahat sa kanila ay nanggaling mula sa Demetria, subalit mayroon rin classification. ang mga SSS ay ang mga royals at nobles , ang SS ay ang pinapababantay sa ibang mga kaharian, habang ang S ay ang mga lowclass na karaniwang namumuhay .
Ang Hellas ay ang mga Healer, walang classification ang mga Hellas ngunit mas nakakakatataas parin ang mga bihasa, katulad ng Hari at mga nobles.
Marami ring topic ang nakakuha ng pansin. Mga iba't-ibang nilalang katulad ng floraes at iba pa. First time na may librong nakakuha ng aking tingin. Natapos ko rin ang dalawa, tatlo, hanggang apat, ngunit may isa pang tanong na may namamalagi sa aking isipan.
"Uhm , S-sir.... Greg" mahinang tawag ko, ntong nakaraang araw napagpasyahan kong tawagin sila ni Victoria na ma'am at sir. Just you know.... respect. Though naninibago ako sa pagtawag. First time kasi.
Tumingala naman si Sir Greg mula sa kanyang binabasa, hinihintay ang katanungang lalabas mula sa aking bibig.
" Uhmm.. Yung Godor po? Ang history ng Godor...hindi ko po makita" saglit siyang natigilan mula sa aking pagtanong ngunit agad naman niya itong pinalitan ng isang ngisi.
" Ang talino mo pala.." saka niya sinarado ang binabasa niyang libro at lumakad papunta sa aking direksyon. Umupo siya sa aking tapat na upuan saka tinitigan ako sa mata.
"hija, Ang Godor ay nasa sentro ng Terra, kung kaya't maraming sigalutan na ang naganap sa nakaraang limangdaang taon , kung kaninong kaharian ito mapapasama. Hindi lang ito nasa sentro, kundi ang portal nito ay nasa Karagatang Pasipiko o kaya'y Pacific Ocean ng 'Earth'. Kung kaya't higit itong pinagaagawan."
"Dumanak ang dugo sa labanan, at maraming nobles ang mga pumanaw kung kaya't napagpasyahan ng pitong kaharian na walang mamumuno dito, kundi gawin na lamang itong sentrong kaharian. Sa Godor, nagaganap ang pakikipagkalakalan, transaksyon, at iba pa. Kumbaga isa itong Kapitolyo ng pitong kaharian."
" Ang Godor ay sinusuportaran ng pitong Kapitolyo, kung kaya't sagana ito. Mayroon itong mga kapuluan sa paligid. Nahahati ang Godor sa dalawa ang Kanluran at Silangan"
Napatigil naman ako sandali, Hmm... This Terra world really holds a lot of secrets.
Is it possible that this world holds a secret for me , too?
0 comments