Chapter 4 -- Aria
5:13:00 AM
Aria's POV
"I'm a Sera, and my husband's a Sorgin"
Parang gusto kong tumaas ang kilay ko, o kaya naman tumawa ng peke para sakyan sila, pero alam ko, they're drop dead serious. Kaya ramdam ko ang pagbaliktad ng sikmura ko.
Okay….. Ano ang nangyayari? Why are they looking at me, like some kind of another specie? They are still looking at me in a poker face and the awkwardness is really killing me!
"Uhmm..." Dumiretso ang tingin nila sa aking mga mata it sent chills down to my spine. I don’t even know how to start a conversation!
"Okay po..? Paano po ba ako makakabalik sa bahay?" Agad silang nagtinginan. As if that question is a taboo.
Ayan na naman, yung mga titigan nila. If wala lang talaga akong pinagdadaan, kanina ko pa sila kinumpronta. But, I need their help to get out of here.
Bumuntong-hininga si Victoria, at alam kong naf-frustrate siya, ako rin naman eh, sino bang tao na may sumalakay sa birthday niya, binaril ang daddy tapos itinulak sa bangin, tapos gigising na may nagsasabing wala siya sa PIlipinas, tapos heto ngayon may nagsasabing Ser-----
"Hindi mo naiintindihan,hija, hindi nage-exist ang Pilipinas dito" Napantig na naman uli ang tenga ko,
Sandali, Teka, Wala ang Pilipinas?
Parang kinutuban na ako ngayon. H-hindi maari, what are the talking about. Everybody knows where the Philippines is, diba? It’s in Southeast Asia, right?
Are they taking drugs?
"Maupo ka, hija, at sabihin mo lahat nang bumabagabag sa iyo"
*********
Inilipag ng isang kasambahay ang tatlong tasang tsaa, kasalukuyan kaming nasa balkonahe ng silid na aking tinutuluyan, somehow, may bumabagabag sa akin na sabihin sa kanya ang lahat, I felt obliged.
"So, hindi pa namin alam ang iyong pangalan, hija," sabi ni Victoria habang hinihigop ang mainit na tsaa.
Natigilan ako sandali. How rude of me, I didn’t even bothered to introduce myself.
" Aria , po" mahina kong usal ngunit sapat naman para marinig nila. NApangiti naman si Victoria nung marinig ang tinig ko.
"Aria, ang ganda ng pangalan mo."napangiti naman ako. It is. I love my name, palaging sinasabi ni Dad na siya ang nag-isip nun and I always feel so proud about that.
"Aria," napatingin naman ako sa gawi ni Greg noong nagsalita siya.He’s somehow serious and kinda strict. " Paano ka napadpad dito sa Godor?"
Napabuntong-hininga ako nung naalala ko na naman. It’s really hard to forget.
"Nagsimula po iyon, three days ago, noong birthday" nakita kong napatuwid sila ng upo.
"16th birthday, okay naman ang lahat sa simula, wala namang problema, nung biglang may sumalakay na mga armado sa party ko" Unti unti tumulo ang mga luha..parang pinapako ang aking dibdib sa pag-aalala
"Tumakas kami ng daddy ko, " Yeah, we did escaped, but still it made us apart.
Di ko mapigilang maluha ulit, hanggang nauwi sa hagulgol. Ramdam ko ang paghagod ni Victoria sa likod ko habang si Greg naman inaayos ang buhok na nakatakip na pala sa mukha ko.
"Okay lang iyan, hija.." I felt at ease. " Sariwa pa ang sugat sa iyo kaya ilabas mo ma lang iyan" She is doing her best para mapakalma ko, and I was touched. Unti-unti ko ring naramdaman ang pagkalma ko.
"Ngunit kung ako ang nasa katayuan ng ama mo, mas nanaisin kong ngumiti ka, ayaw kong makulong ka sa isang masalimuot na pangyayari." napangiti na lang ang aking tugon, tama siya, ayaw nga ni dad nito, maybe I need to move on, hindi agad-agad pero little by little.
I felt an urge para sabihin na lahat sa kanila ang mga nangyari.
"Ayun nga po, nung tumakas kami, nagulat nalang kami na sumusunod pa sa amin ang mga sumalakay, hanggang sa..hanggang sa narating namin ang bangin, nagpaalam siya at tinulak ako..kasabay ang....kasabay ang pagbaril sa kanya." may tumulong luha, ngunit agad kong pinahid ito, saka ngumiti, akas ang pag-alala sa mukha ni Victoria at si Greg napaseryoso rin, ngunit noong nakita ni Victoria na ngumiti ako, gumanti rin siya ng isang ngiti.
Bumalik uli sa aking isipan ang nangyari kanina.
"Puwede po bang magtanong?" pag-aalalang tanong ko sa kanila.Tumango naman si Greg. Atleast I’m not completely treated as an outcast.
"Puwedeng-puwede"tugon ni Victoria.Medyo alanganin ako,pero nagtanong parin
"Ano pong ibig sabihin ninyo kanina? Na hindi nage-exist ang Pilipinas"kita kong natigilan sila sandali.Batid kong medyo alanganin din sila, ngunit alam ko gusto rin nilang sabihin ang totoo.
"Tama ang narinig mo, Aria. Kakaibang mundo ang kasalukuyan mong tinatayuan"sabi naman ni Greg na nagpatingin sa akin sa gawi niya.Kakaibang mundo? bakas sa mukha ko ang pagtatanong, tumikhim si Victoria na nagpakuha ng aking atensiyon.
"Ang mundong ito ay hindi dapat malaman ng mga kagaya mo, na isang taga-lupa, iba ka sa amin at iba kami sa iyo, hindi tamang malaman mo na nabubuhay kami." napakunot ako ng noo, kung ganoon..
"Ngunit papaano po ako napunta dito? Kung hindi dapat ako nandirito, bakit ako napadpad sa mundong ginagalawan niyo?" halos bumaliktad ang kilay ko sa pagtanong, hindi ko talaga maintindihan. Paano nga ba?Magic?Ganon?
"Iyon din ang hindi namin mapaliwanag , Aria" napantig ako sa sinabi ni Greg, ramdam ko ang pagtaas ng aking balahibo.Kinikilabutan. Tumakas ng mga dugo mula sa aking mukha. Hindi rin ako mapakali sa malakas na pagtambol ng aking dibdib.
"H-ha....A-ano po?" Does that mean, I just went here? Without any explanation? Ganun ganun nalang iyon?
"Hija.." tumingin ako kay Victoria, Hindi ko alam pero napakalakas ng heartbeat ko. Bakit ba ganito?!
"Ang mundong ito ay ginagalawan ng mga kakaibang uri ng tao, ako na isang Sera ay isang seer, na kung tawaging manghuhula, habang ang asawa ko ay isang Sorgin ay isang salamangkero."
You’ve. Got. To. Be.Kidding.Me.
No.no.no! This is so wrong! We are not in Halloween party! Nor an April Fools’ Day. Bakit ba nila ginagawa sa akin to?!
"Hindi lang naman kami, nananarahan din dito ang mga iba pa, cyclopoes, sprites, dracnaes, nymphads at iba pang mga uri ng mga engkanto na hindi nabubuhay sa lupang kinagisnan mo." sabi naman ni Greg. Parang pinako ang aking mga paa sa sahig.
Parang gustong kumawala ng aking puso mula sa aking dibdib, naging malapot ang aking mga palad dahil sa nerbiyos.
"K-kung g-gano po.... P-paano p-po ako ma---kabalik sa m-mundo ko?" kinakabahang tanong ko.
Halos hindi ako makahing dahil sa pagsakal sa akin ng katotohanan. At ang aking iniisip lamang, ay kung papaano makabalik, at gigising mula sa aking kama na parang panaginip lang ang lahat ng ito.
Kaya lang hindi lahat ay mangyayari sa naaayon mo. And I know, this more than just a dream. It's freaking nightmare.
" Hindi kami ang tamang tao para magbalik sa pinanggalingan mo" tugon ni Greg sa aking tanong, lalong lumukot ang mukha ko, pinipigilan ko ang aking sarili sa pagiyak.Napansin ata niya iyon kaya
"Ngunit may paraan naman," agad akong napatingala, ibig sabihin, makakauwi ako? Gusto kong tumalon sa saya.Yes! makakauwi na ako
"And that is to illegally open a portal to the other world" seryosong sabi ni Greg. Pero, Illegal? Ibig sabihin bawal.
"Puwede ko naman gawin ito," napapikit ako ng mariin ng sabihin niya iyon.
"Kung gusto mo makauwi agad, punta tayo mamaya sa dalampasigan sa paglubog ng araw ng sa gayo----"
No.. I can’t risk another person just because of me.
"Stop!" biglang sabi ko na nagpakuha ng kanilang atensiyon.
"Ayoko na po. Marami nang tao ang nagsakripisyo ng dahil sa buhay ko, Ayaw ko pong madawit kayo sa problema na kinasangkutan ko " muling nagflash sa aking ala-ala ang mga duguang bantay sa kalsada noong tumakas kami ni dad sa hotel , ang sakit sa dibdib isip iyon
"Sigurado ka ba diyan, hija" tatango na sana ako ngunit biglang kong naramdaman na parang tumama ang kidlat sa aking ulo, then saw some scenes, in a rapid movement, ang sakit , ang sakit.
Napahawak ako ng mariin sa aking sentido, at kinulong ko pa an dalawa kong braso dahil humahapdi talaga, saka ko lang nalaman na napapaupo na pala ako, batid kong hinawakan ako nina Greg at Victoria.
Pinipilit kong intindihan ang kanilang sinasabi, ngunit sa kasamaang palad, ni katiting ng kanilang boses ay hindi ko naririnig, na parang naka-mute lang sila. Sinarado ko nang may puwersa ang aking mata, ngunit hindi ko na talga makaya, mahinang idinilat ko ang ang mga mata, saka ako dahan-dahang napapikit,
Nang hindi ko nalalaman, Tuluyan na pala akong nilamon ng kadiliman.
*****
Corny? I know.
0 comments