Chapter 6 -- Aria
5:16:00 AM
Aria's POV
"Seda!! Seda!! Seda mula sa Kaifeng!" sigaw ng isang lalake mula sa pinagbebentahan ng mga tela. Kasalukuyan kaming nasa sentro ng Godor, ang Block Market at kasama ko si Victoria. Nais niya daw ipakita kung paano gumagalaw ang mundo nila.
Magulo ngunit malawak ito, samu't-saring mga pinagbebentahan ang masasabi mong magagamit talaga.
My first impression was, “WOW!”
Totoo ngang sentro ang Godor, dito pumapasok ang mga produkto ng pitong kaharian.Nahagip ng kaliwang mata ko ang isang di-medyo katandaang lalake na may hawak ng isang maliit na kulungan, akala ko ibon ang nasa loob nito , ngunit laking gulat ko ng ibang nilalang pala ito.
Mga floraes. Ayon sa nabasa ko, mga nilalang sila na may maliit na portion ng kapangyarihan ng mga sorgin, subalit ang pinakatungkulin nila sa Terra, ay alagaan ang kalikasan. Ayon sa alamat, Nilikha sila ng Diyosa ng Kalikasan upang panatilihin ang kagandahan ng kapaligiran at pagsilbihan ang mga tao sa Terra.
" Dinadakip nila ang mga floraes saka binebenta sa mga may-ari ng florae shop " biglang sabi ni Victoria na napansin pala ang malalim na pagtitig ko sa lalake. Napa-ahh nalng ako saka dumiretso ang sumunod sa kanyang lakad.
Napalibot uli ang aking paninigin, samu't sari mayroong mga diyamante. Holy cow! How can this be?
Kung nasa mundo ko lang ito, malamang pinagkakaguluhan na ang mga diyamanteng ito. And here, they treat diamonds as if ‘Meh, just ordinary!’
Sumunod ako kay Victoria, pinasok namin ang mga pagawaang damit, puro mga mahahabang bestida, hindi katulad sa mundo ko na denims at yung mga crop top. As in! the satins are like heaven. Ayon daw Victoria mula pa daw ito sa Avignon, which is napakamahal daw.
Halos mapanganga at mahimatay ako sa mga di-pangkaraniwang bagay, ngunit nagulat ako ng biglang tumigil ang saya na kanina pa nakapalibot dito sa Block Market.
Napansin ko rin na humawi sa daan ang mga tao, mabuti nalang nasa gilid na ako,kaya di ko na kailangang mag-adjust.
Nang makita ko ang kadahinalanan kung bakit kaming lahat napatagilid, halos anim na beses kong kinusot ang aking mga mata.
I swear, I feel like my eyes are going to pop out!
I JUST SAW A FREAKING EXTRAORDINARY HORSE! It felt so surreal.
Hinimas naman ni Victoria ang aking balikat na marahan "Alam ko. Napakaganda nila diba?" baling niya sa mga kabayong may mga pakpak, hindi siya pegasus, para pa nga siyang Threstral sa Harry Potter eh.
Ohmygosh! As in! Parang may mga armour ang mga kabayo. In their bodies are kind of like engravements na napakaganda but their color is grayish black.
Bumaba ang mga tao na nakasakay sa likod nila. Will you actually believe that the horses were flying? I bet not. But it’s true.
The guy na parang leader nila ang nauna and he cleared his throat,
“May hatid akong balita mula sa Council Ng Pitong Kaharian” Halos pumuno ng bulung-bulungan ang buong paligid. Yung ibang tao parang mahihimatay pa. Okay, I don’t get this.
I turned to Victoria for some kind of explanation and was surprised to see that she was nervous at the same time, she’s staring intently to me to explain some things.
“Ang Council Ng Pitong Kaharian ay pagtitipon-tipon ng mga royals kung saan ang mga sugo o balita nila ay sobrang napakaimportante. Minsan lang nangyayari ito , kada-limang taon o kaya’y isang dekada kaya iyan na lamang ang kanilang reaksiyon” pag-eexplain niya ng pabulong.
Napaismid na laang ako. So, maybe this one’s really really important.
“Napagdesisyonan ng pitong hari na ang bawat kabataan sa edad na labingdalawa hanggang labingsiyam ay hinihikayat na pumasok sa bagong paaralang Academia de Venkon , ang pinakabagong paaralan na ipinatayo ng pitong hari , sa pribadong isla ng Kritonia , doon mahahasa ang bawat kapangyarihan ng indibidual sa salamangka , panggagamot, sining at musika , teknolohiya at akademya na naayon sa bawat kapasidad. Nilagdaan ito ng pitong hari.”
At pagkasabi niyang iyon sabay nilang inilabas ang isang namakalaking tela na wait…… parang iba’t-ibang seal na may animal saka napakapula nito.
I’ve read about this! Ayon sa librong nabasa ko, isa itong kontrata na di dapat magiba. Ang pitong seal na may iba’t-ibang hayop ay simbolo o family crest ng royals kung kaya’t di basta-basta at pangkaraniwan ito.
Ayon sa libro, para maging epektibo ang ugnayan , kailangan sugatan nila ang sarili at ipaligo ang kani-kanilang seal sa kanilang mga dugo saka may ritual ito ng salamangka na di kailanman masusuway ang pangakong ito.
Yung mga tao dito, halos lumaglag ang mga panga sa nakita, hindi kasi ordinaryo na makita ng mga commoners at well-off families ang seal ng mga royals kaya para sa kanila sagrado ito.
Agad namang umalis ang mga nagbalita with their weird but awesome horse.Whew! Parang buhawi ang mga pakpak ng kabayo,Weird, Bumalik narin sa normal ang mga pangyayari dito, yung iba nagpatuloy-tuloy lang sa shopping habang yung iba parang excited.
Victoria led me another place, we went past the bakery at isang restaurant. Until we found this place na parang an old one. If I’m not mistaken, this store is built right in the middle of this market. Yet, this didn’t make me uncomfortable, ‘cause this one’s a library.With an old wooden plywood and a perfect font. It says
‘ Guiller’s.’
A really big one and the smell. Hayst.. It’s kind of like a homey one. It smells like honey and toffee. God! I can admire the books and smell at the same time.
Sabi ni Victoria, ito ang pinakapaborito nilang bookstore ni Greg at halos lahat daw libro nila ay dito nabibili. Most of the books are auto-translated. Yep, you buy a book and the book can detect which language you are most capable to read. By ofcourse, dripping your blood all over the book.
Gawa daw ang sistemang ito ng mga Honorians, the masters of technologies. They were able to make the impossibles, possible.
Victoria asked me to pick any books that may catch my interests, she will gladly pay for it. Iniwan niya ako dahil bibili rin daw siya para kay Greg.
All I can really say is, WOW! Everything in here will amaze you.I checked the publication dates of other books and guess what? There are none. The are no publication dates stated in a book unless, if it’s a history book.
In a matter of second, marami-rami na ang nahakot ko. Books such as, How to find the right floraes. Horoscope Predictions. Reign Of The Dragon King.
I was always a bookworm. I can’t get enough if I haven’t finished reading the book that kept me for a while. Everything na kukuha ako , didiretso ito sa basket na pinaglalagyan ko.
Napalibot-libot muna ako sa library , actually marami-raming pasikot-sikot dito, and that what it amazes me more. You may never know what lies in the next corner, goodies of texts.
This felt good. It’s been a long time naman kasi since I went into a bookstore, and usually when I go into one, I pick loads and loads of books. And this day, is not an exception. I felt sorry for Victoria, medyo naparami naman kasi ang kuha ko eh.
Kukuha pa sana ako ng libro ng may nakuha ang atensiyon ko, I don’t know what or how I saw it. Parang nagflash lang siya out in the corner of my eye. Ewan. It feels like…
It’s desperately calling for me..
Unti-unti na akong lumapit dito.Papalapit ng papalapit. Hanggang sa nahawakan ko na sa wakas ito.It’s actually hidden between two books, which both are twice as it’s size.
It’s a book na hindi medyo katandaan, at di rin medyo bago. It’s between both of those preferences. Weird. I can say,
This book has a premium leather cover page, without any title but there is a date at the bottom, a very small one. It clearly says
‘ 1994’
What a weird one, walang publication inilalagay na publication date ang publisher. Dahil una, it is not necessary to write one in this world. Every person here doesn’t care about the pub dates, they only cared about the wisdom inside a book no matter how old it is. That’s how Greg explained it to me.
Are there any things weirder in this world? Really, this Terra thing is making me crazy and never fails surprise me. Why is it na parang sakin lang nangyayari ito.
Napagpasyahan kong buksan ito, when someone popped in the corner with a rather spine-chilling voice, an old but a stern one. Nang tingnan ko, halos manginig ang aking mga binti.
Isang lalake , a foot taller than me with a raggedy clothes.He has a beard and a mustache that makes him look more mature. I guess he’s in his lates 30’s. I really don’t want to judge a person. But from the looks of it, he looks really creepy. Kanina pa ba siya diyan? I wouldn’t notice if he didn’t ask me kung paano ko nahanap ang librong ito.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya inilibot ko ang aking paningin, nasa likod ko kasi ang mahabang shelf at parang nacorner ko dito kaya hindi ako dali-daling makakalabas.
Bingo! I found one. Aha, now this seems like a life-death situation. Isang hakbang para simullang tumakbo ng marinig kong humalakhak ang lalake. Now what?
“ Huwag kang kabahan, hija. Sapagkat ako’y nagtatanong lamang.”
Parang nabunutan ako ng tinik dun ha. Kinalma ko ang aking sarili. Halos ‘di parin kasi humuhupa ang kabog ng aking puso. Hays, ganito kasi ang nangyayari pang hinuhusgahan mo ang kapwa.
Hinarap ko siya ulit.
“ Ako nga pala si Ricardo, lolo ko si Guiller, ako na ngayon ang namamahala ng bookstore na ito.” Pasikreto akong napa-face palm. May-ari pala.
I composed myself to have an introduction. Besides he doesn’t seem creepy to me now.
“ Ako naman po si Aria, kayo po pala ang may-ari nito? Ang mga libro niyo po ay kinukuha ang aking interes. Kung pupuwede nga po, ay bilhin ko dito ang lahat ng libro.” Napatawa siya ng bahagya at nagpasalamat sa aking papuri.
He even offered me some books that are good to read and I gladly accepted them. Besides, learn from the professionals , right? I was about to reach another book, when he asked me again.
“ Pero hija, paano mo ba talaga nakuha iyan?” tukoy niya sa libro na hanggang ngayon ay hawak ko parin. Kahit ako nga, di ko rin alam na hanggang ngayon, hawak ko pa pala.
Napatigil naman ako sandal, dahil di ko alam kung paano sasabihin. Teka, paano ko nga pala sasbihin na nakita lang siya talaga sa gilid ng mga mata ko?
“ Sa katunayan po, hindi ko rin alam. Basta nakita ko nalang siya.” Pagpaliwanag ko. Totoo naman kasi eh.
Pagkasabi ko nun, parang nagulat siya, o di makapaniwala. Nabitawan pa nga niya yung libro na hawak-hawak niya eh. It felt like prang may mali sa sinabi ko.
Okay, ano na naman ba ang mas weirder?Kaya tinanong ko siya kung may mali bas a sinabi ko, and until now, he’s still in dumbstruck. Saka nalang siya nahimasmasan nung pinulot ko ang librong binitawan niya saka ulit ibinigay sa kanya.
Bigla namana ‘ata siyang natauhan , dahil nagulat na lamang ako ng nakapaskil na ang isang ngiti sa kanyang labi. Or perhaps it wasn’t a smile,, but rather a grin.
Hindi ko siya tinanong kung bakit dahil alam kong kailangan kong mag-set ng boundaries tungkol sa pinagtatanungan ko. Pero sa pagkakataong ito, siya na mismo ang nagsabi ng sagot sa aking lihim na katanungan.
“ Alam mo ba, hija. Mayroong mga libro na nagpapakita lamang sa tunay at karapat-dapat na may-ari”
Napatulala lang ako sa sinabi niya. Without knowing na tinanong na niya pala ako kung ito lang ba ang mga libro na gusto kong bilhin,. Absent-mindedly akong napatango saka kinuha niya ang mga dala ko at umalis na.
Unti-unti naman akong npabalik sa realiyadad saka nakita nang nasa harap ko na pala si Victoria bitbit yung mga pinili kong libro habang nakangiti. Inaya niya na akong lumabas.
Nang kami’y papauwi tinanong ko si Victoria kung totoo bang pumipili ang mga libro ng may-ari. Ang sagot niya lamang ay
“ Possible iyon, hija. Ang mga librong ito ay ginawa upang ipakita ang mga laman nito sa isang tao na karapat-dapat malaman ang mga nilalaman . Siyempre, mayroon itong spell, na maaari itong di magpakita ng abot libong taon. Kung, hindi nito makaharap ang tunay na may-ari”
Napanganga lamang ako. So yung libro kanina ay..?
****
Halos gabi narin ng makarating kami ni Victoria sa kanilang mansion.Dahil may dinaana pa kami na isang pub at doon na kumain. Pagkarating naming, wala pala dito si Greg dahil mayroong pinuntahan daw.
Habang si Victoria nagluluto, Naririto ako sa kuwarto binabasa ang mga bagong-biling libro. Unti-unti ko narin nalalaman kung paano pinatatakbo ang mundo ng Terra.
Ang Terra ay hindi lamang nasesentro ang pamumuhay sa magic, kundi rin sa Teknolohiya. Sagrado ang kapangyarihan, subalit ang nagpapatakbo ng pamumuhay ng mga tao ay ang mg teknolohiya ng mga Honorians.
May mga iba rin na History books ang nabasa ko. At ang nakukuha ng pansin ko ay ang kasaysayan ng Kaifeng na kapilas pala nito ay ang China. Kung sa Earth daw ay tapos na ang mga dinastiya. Sa Terra, buhay na buhay daw ito.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng isang makapal na libro ng marining ko na may nag-doorbell. Which is so strange, dahil nasa kalagitnaan ng gubat na ito ang mansiyon nina Victoria.
Which led me to curiousity ofcourse. Sinilip ko mula sa balkonahe ang groundfloor at doon ko nakita ang isang mukhang threstal na kabayo naghihintay. What the?
Dai-dali akong bumaba.Hindi inaalintana kung mattatapilok ako o ano. But I felt something na hindi makakapagpakali sa akin.
Nang makarating ako sa groundfloor hindi ko na naabutan ang kabayo ngunit I saw Victoria, in a creepy position.Parang wala siya sa saeili niya which made me nervous.
Halos mangatog ang mga binti ko sa kaba at biglang lumapot ang mga kamay ko. As I was staring at her, I can feel beads of sweat na humuhulog mula sa noo ko.
She was holding something, tulala sa kawalan, habang nagv-violet ang dalawang mata niya, na halos hindi na makita ang mga pupils niya. Parang wala siya sa sarili and it felt like isa na siyang estatwa. Ngunit ang napatindig-balahibo sa akin, is when she started to mumble words, in latin.
0 comments